-- Advertisements --

Umabot na ng 545,449 na returning overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi na sa kani-kanilang mga probinsya sa tulong ng “Hatid-Tulong” program ng gobyerno simula noong nakaraang taon.

Bilang tugon sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin ang mga OFWs sa kanilang mga probinsya, nagtulong-tulong ang Department of Transportation (DOTr), National Task Force (NTF), at iba’t ibang ahensya ng gobyerno na gabayan at pauwiin ang mga OFWs na nasa Metro Manila.

Sa nasabing bilang, 167,551 ang napauwi sa pamamagitan ng land transport mula May 25, 2020 hanggang Abril 29, 2021; 285,168 naman ang sa pamamagitan ng air transport; at 92, 730 ang maritime transport simula Abril 27, 2020.

Ang Hatid-Tulong program ay pinagsamang inisyatibo ng DOTr, NTF, Office of the President, Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration, Civil Aviation Authority of the Philippines, Philippine Coast Guard, Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Department of Tourism, Philippine Ports Authority, Office for Transportation Security, Manila International Airport Authority, Land Transportation Office, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.