-- Advertisements --

Binawasan ng korte sa South Korea ng isang taon ang hatol na pagkakakulong sa dalawang dating K-pop star na sina Jung Joon-young at Choi Jong-hoon.

Ang dalawa ay dating miyembro ng boyband na FT Island.

Sila ay napatunayan ng korte na guilty noong Nobyembre 2019 dahil sa pag-gang rape sa dalawang biktima na nangyari noong 2016.

Sinasabing nagpahayag ng labis na pagsisisi si Jung kaya pinayagan ng korte na bawasan na lamang ang kanilang hatol.