Nakatakda nang maglabas ng kanilang resolusyon o hatol ang Philippine National Police (PNP) bago magpasko hinggil sa siyam na pulis na sangkot sa Jolo fatal shooting na ikinasawi ng apat na army officers.
Ito ang kinumpirma ni PNP chief Gen. Debold Sinas sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo.
Sinabi ni Sinas, hinihintay na lamang nila ang resolusyon ng korte na dumidinig sa criminal case ng siyam ba pulis.
Naisumite na rin ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang kanilang rekumendasyon sa administrative case na kinakaharap din nang siyam na pulis.
Sa ngayon, nirerebyu na rin ng PNP legal department ang rekomendasyon ng IAS.
Siniguro naman ni Sinas na kung anuman ang magiging resulta ng kanilang rekomendasyon ay maaari pa ring umapela ang mga sangkot na pulis sa National Police Commission (Napolcom).
Noong November 26, isinumite ng PNP IAS sa The Chief Directorial Staff kay Lt. Gen. Joselito Vera Cruz ang kanilang rekomendasyon.
Sinabi ni Sinas, nasa holding unit pa rin sa Kampo Crame ang siyam na pulis.