-- Advertisements --

Pinayuhan ng Hawaii County Civil Defense Agency (CDH) ang mga residente na manatili na lamang sa kanilang tahanan matapos ang pagiging aktibo ng Kilauea volcano.

Ang nasabing pagputok ng bulkan ay nagdulot din ng malawakang paglindol sa lugar.

Kilauea

Nakita sa bunganga ng bulkan ang tuloy-tuloy na pagbaga.

Dahil sa malakas na hangin ay inilipad din ang ashfall na umabot pa sa Kau District sa Wood Valley, Pahala, Naalehu at Ocean View.

Nagtala ang US Geological Survey (USGS) ng 4.4 magnitude na lindol malapit sa lugar ng Hilo.

Mayroon ding aftershocks na nairehistro mula 2.5 hanggang 2.7 na magnitude na lindol.