BAGUIO CITY – Ibinahagi ng isang Pinoy sa Hawaii na matindi ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa entertainment at tourism industry sa nasabing estado.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Rick Rock, isang Pinoy creative director at club DJ sa Hawaii, inamin nitong bago ang pagputok ng coronavirus pandemic ay karaniwang dinudumog ng mahigit 50,000 na mga tao ang mga hotels at beaches roon bawat araw.
Kung dati ay punong-puno umano ng buhay ang paligid dahil sa kabi-kabilang mga beach parties ay nagmistulang ghost town na ang maraming lugar sa estado ngayon.
“It’s taking a major loss. It was very drastic. Like if you were to look now on the Waikiki webcams on the internet, there’s no one on the streets. It’s like a ghost town, compared to 50,000 to 60,000 people per day walking the streets and on the beaches. It went from that to nothing.”
Samantala, unti-unti naman na umanong nagbubukas ang ilang mga establisyimento sa Hawaii.
“Slowly establishments are opening up. Let’s pray to God that it can come back to life, the economy can open up, and we can all be one big happy family under the sun again.
Sa kasalukuyan at mayroong 629 na kaso ng COVID-19 sa Hawaii, mahigit limang daan rito ang naka recover habang 17 naman ang namatay.