Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national na convicted sa kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa bata partikular na ang Child Porn.
Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspect ay si Ronald Huy Young, 54 anyos.
Sakay ang suspect ng isang flight mula sa Honolulu na lumapag sa bansa.
Ang pagharang kay Young ay may kaugnayan sa paglabag nito sa Philippine Immigration Act of 1940.
Sa nasabing batas, hindi pinapayagang makapasok sa bansa ang isang indibidwal na may criminal record kabilang na ang krimen na may kinalaman sa moral turpitude.
Batay sa record ng Hawaii Criminal Justice Data Center, si Young ay naghain ng Guilty Plea sa kasong kanyang kinakaharap.
Una nang sinintensyahan ng sampung taong pagkakakulong si Young noong taong 2008.