Pasok na sa NBA CUP Semifinals ang Atlanta Hawks matapos nitong talunin ang New york Knicks sa quarter-finals round, 110 – 108.
Pinangunahan ni Trae Young ang opensa ng Hawks sa pamamagitan ng kaniyang 11 assists at 22 points. Naging aggresibo naman sa depensa sina Jalen Johnson at Clint Capela at kumamada ng pinagsamang 28 rebounds.
Pinangunahan din ni De’Andre Hunter ang bench ng Hawks at ipinasok ang walo mula sa 15 pinakawalang shots, daan para ibulsa ang 24 points.
Naibulsa ng Hawks ang panalo sa kabila pa ng monster double-double ni Knicks bigman Karl-Anthony Towns na gumawa ng 19 points at 19 rebounds.
Dahil sa panalo, aabanse na ang Hawks sa Eastern Conference NBA Cup Semifinals at makakaharap ang naghihintay na Milwaukee Bucks.
Gaganapin ang tapatan sa pagitan ng dalawa sa araw ng Sabado, Dec. 14, oras sa US.