-- Advertisements --

Muli na namang namayagpag si Trae Young upang bitbitin sa panalo ang Atlanta Hawks laban sa Cleveland Cavaliers, 107-101 sa katatapos lamang na play-in tournament.

Nagtala si Young ng 32 points mula sa kanyang kabuuang 38 points sa second half upang dalhin ang Hawks sa Eastern Conference bilang No. 8 playoff seed.

Ang panalo ng Atlanta ay sa kabila na dumanas ng knee injury ang kanilang center na si Clint Capela.

Sa third quarter pa lamang ay kumamada na si Young ng 16 points upang iangat ang Hawks mula sa 10-point halftime deficit.

Halatang hindi kinaya ng mas batang Cavs players na tapatan si Young na sa fourth quarter ay muli na naman itong nagpasok ng 16 points.

Tumulong din naman si Bogdan Bogdanovic na nagpakita ng 19 points para sa Atlanta.

Dahil sa kompleto na ang walong teams sa playoffs makakaharap ng Hawks sa first round ang No. 1 seed na Miami Heat.

Ang Game 1 ay gaganapin sa Lunes sa homecourt ng Heat sa South Florida.

Kung maalala noong nakaraang taon umabot pa sa conference finals ang Hawks.