-- Advertisements --

Sinunggaban na umano ni Jabari Parker ang two-year, $13 million deal sa Atlanta Hawks.

Sinabi ng kanyang agent na si Mark Bartelstein, mayroon din umanong player option ang naturang kasunduan sa ikalawang taon nito sa team.

Si Parker ang No. 2 overall pick noong 2014 draft ngunit sasapi na ito sa kanyang ikaapat na team.

Nalimitahan lamang si Parker sa 247 career games dahil sa injury kung saan dumanas ito ng napunit na anterior cruciate ligaments noong 2014 at 2017.

Gayunman, may average ito na 15.1 points at 5.7 rebounds kada laro sa NBA.