-- Advertisements --

Tinapos na rin ng Atlanta Hawks ang kanilang preseason games sa pagtambak sa Miami Heat, 127-92.

Pinagana ni coach Nate McMillan ang kanyang first five na mistulang dress rehearsal na kinabibilangan nina Bogdan Bogdanovic, De’Andre Hunter, Trae Young at John Collins para idispatsa ang Heat.

Sinamantala naman ng Hawks ang kawalan ng mga main players ng Miami.

Ito ang unang talo ng koponan bago ang pagbubukas ng bagong season sa susunod na linggo.

Samantala, hindi muna pinalaro ni Fil-Am coach Erik Spoelstra sina Kyle Lowry, Jimmy Butler, Bam Adebayo at walo pang iba.

Nais ding paghandaan kasi ng Miami ang laro nila bukas kontra sa Boston Celtics sa pagtatapos din ng kanilang exhibition matches.