-- Advertisements --

ATLANTA – Naging susi sa panalo ng Atlanta Hawks laban sa Washington Wizards, 111-101, ang balanse na performance ng team para itabla ang serye sa 2-2.

Pero ang umagaw ng husto ng atensiyon ay ang kontribusyon ng beteranong 35-anyos na Spanish player na si Jose Claderon, na umiskor ng 10 points at 5 assists sa loob ng 20 minutos na paglalaro.

Sa ginanap na postgame news conference isinama pa ni Dwight Howard si Calderon sa pagharap sa mga mamamahayag dahil sa mahalagang papel na nagawa sa Game 4.

Ang 8-time All Star na si Howard ay nagpakitang gilas na rin matapos na magtala ng 16 points at 15 rebounds upang punan ang mahinang diskarte niya sa nakalipas na postseason games.

Maging si Maul Millsap ay nag-step up din matapos magbuslo ng kabuuang 19 points.

Sa kampo ng Wizards nasayang ang pagsisikap nina Bradley Beal na may kabuuang 32 points at si John Wall naman a may 22 points at 10 assists.

Narito ang resulta ng iba pang games nitong araw:

Raptors – 118
Bucks – 93
Series: 3-2

Warriors – 128
Blazers – 103
Series: 4-0