-- Advertisements --

Kinalampag ng isang kongresista ang Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC) na aksyunan ang hiling na hazard pay para sa mga frontliners sa 2019 nCoV-ARD.

Sinabi ni House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairman at Iligan City Rep. Frederick Siao na dapat tukuyin kung sino ang dapat makatanggap ng hazard pay.

Tama lamang aniya na bigyan ng hazard pay ang mga tumutugon sa 2019 nCoV-ARD dahil sa direktang panganib sa pagharap sa mga posibleng carriers at pasyente.

Samantala, pabor sa naturang hakbang ang Research Institute for Tropical Medicine na madagdagan ang hazard pay ng mga frontliners sa naturang sakit.