-- Advertisements --
Duterte on ISIS mp3 image
President Rodrigo Duterte

Hindi itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga nangyayaring hazing sa mga fraternities sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na maging siya ay nakaranas ng hazing kung saan ilang araw din daw siyang nanatili sa pagamutan.

Nilinaw nito na tanging ang mga karumadal-dumal na uri ng pagpapahirap lamang ang kaniyang kinokontra gaya ng pagpapa-oral sex sa kapwa kapatiran.

Hindi rin ito sang-ayon na tuluyang pagbawalan ang pag-iral ng mga fraternities dahil dadaan ito sa matinding pagsusuri.

Ang pahayag ng chief executive ay kasunod nang serye ng insidente na pagoutang na naman ng ilang kaso ng hazing lalo na ang pagkamatay ng isang UP student na binisita pa ng Pangulo ang burol at ang nangyari kay PMA cadet Dormitorio.