-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Butuan City at Agusan del Norte 1st District Representative Lawrence Lemuel Fortun pabor ang lahat niyang mga kasamahan sa inihain niyang House Bill No. 9000 sa ikatlo at huling pagbasa kahapon rason na lusot na ito sa kamara.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng kongresista na ang naturang bill ay syang magdedeklara sa Butuan City bilang Heritage Tourism Zone kung kaya’t maisasama na ang lungsod sa kabuu-ang pagplano para sa tourism development ng bansa.

Ayon sa kongresista, kahit na abunda ang Butuan City sa heritage, kultura at kasaysayan ngunit hindi ito kinilala bilang tourism development area kung kaya’t walang regular na pundong magagamit para sa pag-develop nito.

Ngunit dahil sa deklarasyon ay mabibigyan na ng prayuridad ang lungsod sa tourism development planning ng pambansang pamahalaan lalo na kung mapasok ito tourism zones ng bansa.