-- Advertisements --

Mananatili bilang coach ng Philippine women’s football team si Alen Stajcic.

Kinumpirma ito ng Philippine Football Federation (PFF) kung saan pumirma ang Australian coach ng kaniyang kontrata ng hanggang 2023 FIFA Women’s World Cup.

Sinabi ni Jefferson Cheng ang team manager ng women’s football team ng bansa na mahalaga ang magiging papel ng Australian coach dahil sa paghahandang gagawin nila sa nalalapit na torneo.

Magugunitang naging malaking susi sa panalo ng national football ng bansa dahil sa sa pagpasok nila sa World Cup ng magtagumpay sila sa semifinals ng AFC Asian Cup nitong Enero.