Dasal ang hiling ni Nolito Velasco ang head coach ng Philippine women boxing team sa sambayanang Pilipino para sa mga Atletang Pinoy na sasabak sa Olympic Games sa Tokyo Japan.
Ayon kay Velasco, handang-handa na ang labing syam na mga atletang pinoy para sa Olympics at pawang uhaw na uhaw ang mga itong makuha ang gintong medalya. Dagdag pa nito,na bilang paghahanda ay sinusunod nila ang lahat ng safety protocol laban sa COVID- 19 , kahit ang ibang mga lahi ay parang wala lang sa kanila ang panganip na dala ng virus.
Unang sasabak sa ring , sa Sabado, July 24, 10:00 am Phils. Time ay si Nesthy Petecio para sa 57 kg super featherweight bout. , habang ang tubong Iloilo na si Irish Magno ay unang sasampa sa ring sa Linggo, July 25 para sa 51 kg bantamweight fight.
Si Nolito Velasco ay nakakatandang kapatid ng boksingerong sina Roel Velasco at Mansueto ‘Onyok’ Velasco . Si Roel Velasco, ay nagbigay sa Pilipinas ng Bronze Medal sa Men’s Light-Flywieght Event noong 1992 Summer Olympics sa Barcelona, Spain habang si Onyok Velasco ay Silver Medalist sa Light Flyweight Event noong 1996 Summer Olympics sa Atlanta, Georgia.