Sinibak sa puwesto ang coach ng national soccer team ng South Korea na si Jürgen Klinsmann.
Ang nasabing pagsibak ay matapos ang naganap na awayan sa pagitan ng kanilang star player at captain Son Heung-min at midfielder na si Lee Kiang-in bago pagkalaglag nila sa Asian Cup.
Sinabi ni Chung Mong-gyu ang chairman ng Korean Football Association (KFA) na bigong maipakita ni Klinsmann ang kaniyang kakayahan na pamunuan ang koponan.
Ang kaniyang kakayahan at ugali ay hindi nasusukat sa standard ng mga Koreans.
Marami ang nagalit sa pamumuno ni Klinsmann mula ng malaglag sila sa Asian Cup at ang hindi nito makontrol ang mga manlalaro niya.
Itinalaga si Klinsmann ng halos isang taon at nasa kontrata ito ng hanggang 2026 World Cup sa North America.
Hindi naman binanggit kung sino ang maaaring papalit na bagong coach.