-- Advertisements --
Patay matapos tambangan ang head nurse ng isang ospital ng Calamba City, Laguna.
Ayon sa kapulisan, kakahatid lamang ng biktimang si Arlene Saludo, ang head nurse ng Calamba Doctors Hospital, ng kaniyang anak ng bigla itong tambangan ng dalawang hindi pa nakilalang mga suspeks.
Hindi na umabot ng buhay pa ang biktima ng itakbo ito sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa leeg.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril sa biktima.