Epektibo na ang gun ban, firecracker ban sa Lungsod ng Maynila gayundin ang liquor ban sa paligid ng simbahan ng Quiapo kaugnay ng pista ng itim na Nazareno.
Batay sa Executive Order ni Mayor Honey Lacuna Pangan, bawal ang pagbebenta ng nakalalasing na inumin sa mga lugar na nasa loob ng 500 meter radius ng simbahan ng Quiapo.
Kaugnay nito, ipinaalala rin ang umiiral na ordinansa na nagbabawal sa pag-inom ng mga alacoholic beverages o mga nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga lansangan.
Ipinagbabawal din ang pagawa, pagbebenta at pagamit ng paputok sa buong lungsod ng Maynila.
Simula kaninang alas 7 ng umaga ipinatupad ng Philippine National Police ang gun ban sa naturang lungsod.
Iiral ang firecracker ban hanggang bukas habang hanggang sa Miyerkules naman ang liquor ban at gun ban.
Layunin nito na maging maayos at mapanatili ang peace and order sa naturang aktibidad.