-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Coast Guard District Northwestern Luzon sa mga pantalan at beaches sa buong Region 1.

Ito’y dahil na rin sa buhos ng mga turista, mga mamamasyal sa beach at mga pasahero sa iba’t- ibang parte ng rehiyon.

Ang pagbabantay na ito ng naturang ahensya ay bahagi naman ng OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2023.

Bilang pagtalima dito ay nagtayo ang Coast Guard ng mga outpost o help desk sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.

Layon nitong mabantayan ang mga pasahero o biyahero at matiyak na mabuti at nasa ayos ang mga operasyon ng mga passenger vessels.

Kaugnay nito, naka- maximum alert na rin ang lahat ng District Stations at Substations ng Coast Guard District Northwestern Luzon para sa maritime safety at security.

Sa ilalim ng alertong ito ay nagsasagawa ang coast guard ng isang comprehensive inspection sa mga passenger vessel.

Tumutulong rin ang K-9 units sa pagbabantay sa port terminals sa Region 1 upang matiyak ang seguridad sa lugar.