Labis na ikinatuwa ng mga mamamayan sa California ang balitang nagkaroon na ng kasunduan ang mga Democrats upang magkaroon na rin ng health benefits ang mga illegal immigrants sa naturang siyudad.
Ang kasunduang ito ay taliwas sa nais ni US President Donald Trump na tuluyang ipa-deport ang mga illegal immigrants sa United States.
Parte ng nasabing plano ay ang paggastos ng $213 billion o halos 12-trillion pesos ng state at federal tax money sa mga susunod na taon.
Ibig sabihin lamang nito ay maaaari na ring magkaroon ng Medicaid program ang mga taong edad 19-25 years old na iligal na naninirahan sa California.
Ang Medicaid ay isang health program na nagbibigay tulong sa mga mahihirap at may kapansanan sa iba’t ibang parte ng Estados Unidos.
Dahil dito, California ang magiging kauna-unahang siyudad sa US na tutulong sa mga middle income families upang magbayad ng kanilang health insurance premiums kada buwan.