-- Advertisements --
Maipapamahagi na sa mga pulis sa susunod na buwan ang kanilang health maintenance organization card.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ang bawat health card ay P40,000 service at product value.
Tiniyak ng opisyal na malaki ang maitutulong nito sa mga pulis, lalo na sa mga may dinaramdam sa katawan at nasa malalayong lugar.
Nangako ang liderato ng pulisya na kanilang regular na aalamin ang kalagayan ng mga tauhan upang maagapayan sa panahon ng pangangailangan, lalo na kung direktang may kinalaman sa kanilang tungkulin.