Pingangunahan ni Marlon De Guzman na Bombo International Correspondent at isang OFW sa Hong Kong, lider ng HELLO Group at membro ng APO-Alpha Pi Chapter pati ng mga Barangay Health Workers o BHW noong May 8, 2021 ang isang Feeding and Health Care Program at nagbigay ng libreng Reliv Milk sa Barangay Capatan, lungsod ng San Carlos City sa lalawigan ng Pangasinan.
Kasama si Pastor Ruben G. Caoili na representative mula sa The Reliv Kalogris Foundation na siyang responsably sa orientation at pamimigay ng mga libreng gatas. Nakipag tie-up si Mr De Guzman sa Reliv Kalogris Foundation sa pamamagitan ni Mr. Caoili para lalong makatulong sa mga bata, na sa panahon ng Pandemic ay sila ang mas nanganganib at madaling kapitan ng covid19 dahil sa kanilang murang edad.
Sabi pa ni Mr. De Guzman at Pastor Ruben na mas lalo nilang tututukan ang mga bata sa tulong ng RKF dahil bukod sa hindi pa nila alam kung ano ang dapat kailangan nila para sa kanilang katawan ay wala pa silang kakayahan para ito ay masabi sa mga magulang. Sa pamamagitan ng Reliv Milk na ipapainum sa kanila, na kumpleto na sa lahat ng mga vitamina na kailangan ng kanilang katawan at libreng pinamimigay ng Foundation ay makukuha na nila lahat ang tamang nutrisyon para sa kanilang matatag at malakas na kalusogan.
Kasama ni Mr. De Guzman sa proyektong ito ang mga kapatid sa APO na sina APO Audy Barrientos, APO Roma Maceda-Bello, APO Boy Terrado na parehong taga Alpha Pi Chapter at APO Mary Anne Agustin na taga IOTA KAPPA, Laoag City na personal na tumulong sa kanya para maisagawa ang ganitong pagtulong na gaya ng pamimigay ng gatas.
Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang ng mga batang nabigyan ng libreng gatas at ilang senior citizen na nakatanggap din dahil naaangkop daw ito sa kanila ngayong panahon ng krisis.
Dagdag pa ni Marlon De Guzman na sa awa at tulong ng Panginoon ay ipagpapatuloy nya ang ganitong gawain sa tulong ng RKF para makatulong sa mga batang mas higit na nangangailangan.