-- Advertisements --

Halos mag-collapse na ngayon ang health care system ng bansang Myanmar, dahil sa pagmamatigas pa rin ng ilang health care workers na hindi na muna babalik sa kanilang trabaho.

Una rito, nitong mga nakalipas na araw, sumama na rin ang ilang mga doktor at nurses na nagprotesta laban sa military junta.

Libung libong mga doktor ang sumali sa mga inilunsad na civil disobedience movement kasama ang ilang mga kawani ng gobyerno.

Sa ilalim ng public health care system ng Myanmar, nasa 80% ng lahat ng mga ospitals at clinics ay may subsidiya sa gobyerno para pagserbisyuhan ang 54 million na popolasyon.

Dahil dito lalo na ngayong naalarma ang grupong Medicins San Frontiers dahil sa halos mag-collapse na ang public health system na dinagdagan pa ng patuloy din na pananalasa ng deadly virus.