-- Advertisements --

Nagkaroon ng improvements ang mga healthcare utilization sa bansa mga nagdaang mga linggo.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa isinagawang national address ni Pangulon Rodrigo Duterte na bumaba ng 47 percent ang kabuuang healthcare utilization kumpara sa dating 49 percent noong Mayo 4 at 53.7 percent noong Abril.

Isa rin aniyang ipinagmalaki ng kalihim ang pagbagal ng COVID-19 infections.

Maging ang mga gumagamit daw ng intensive care unit (ICU) ay bumaba na naging 64 percent na mula sa dating 68.3 percent.

Dagdag pa nito na nagkaroon ng pagkakataon ang gobyerno na palawigin ang health system capacity mula ng nagtaas ng quarantine level ang National Capital Region at ilang karatig na lugar.