-- Advertisements --

Nananatiling mababa pa rin ang health care utilization sa National Capital Region (NCR) habang nakitaa naman ng bahagyang pagtaas sa ilang mga lugar sa nakalipas na linggo.

Base sa metrics ng OCTA Research Group nasa 30.1% as of July 11 ang hospital bed utilization sa NCR na maituturing na mababa bagamat ito ay bahagyang tumaas mula sa dating 28.4% noong July 9.

Batay din sa data ng OCTA nitong July 11, nakapagtala ng 50% o moderate na health care utilization sa tatlong mga lugar kabilang dito ang longapo City, probinsiya ng Iloilo at Bohol.

Nakapagatala din ng pagtaas sa health care utilization sa iba pang mga lugar gaya ng Iloilo City- 43.2 percent (from 40.1 percent), Laguna – 30.8 percent (from 28.3 percent) at Cavite – 30.3 percent (from 29.2 percent).

Bahagyang bumaba naman ang health care utilization sa Batangas – 34.2 percent (from 35 percent), Lucena City – 41.6 percent (from 44 percent) at Rizal – 38.7 percent (from 38.9 percent).

Kayat paalala pa rin naman ng DOH sa publiko na hindi nagtatagal ang immunity kung kayat hinihimok muli ng kagawaran ang mga hindi pa nabakunahan ng booster na eligible na magpaturok na para maiwasan ang severe at fatal infection.