-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang tungkulin ang health secretary ng Amerika na si Alex Azar.

Iniwan ni Azar ang pagiging kalihim ng U.S. Health and Human Services dahil hindi rin niya nagustuhan ang nangyaring kaguluhan sa US Capitol noong nakaraang linggo.

Ngunit bago siya nag-resign, inamin nito na ang Amerika ay wala nang nakareserba na natipong mga bakuna.

Alex Azar trump WH

Tiwala naman siya na may ginawang hakbang ang Trump administration upang makapagbigay ng pangalawang doses ng bakuna para sa mga tao.

Nauna nang ipinagyabang ng administrasyon ni outgoing US President Donald Trump na mayroong mga natipon na reserba na bakuna para sa pangalawang doses na gagamitin ng mamamayan ng Amerika.

Samantala, ang pag-resign ni Azar ay sa gitna na rin na patuloy pa rin ang paglobo ng COVID cases sa Amerika na mahigit na sa 401,000 ang death toll habang ang mga kaso ng nagkasakit ay umabot na sa mahigit 24.1 million. (with reports from Bombo Jane Buna)