CENTRAL MINDANAO-Lima sa 24 na barangay sa bayan ng Kabacan Cotabato ang nakatakdang sumailalim sa Barangay Health Emergency Response Training o BHERT.
Nabatid na ang mga barangay ng Tamped, Pisan, Simone, Lower paatan, at Bangilan ang limang barangay na sasailalim sa nasabing training ngayong 21-23 ng Mayo 2019.
Ang nasabing pagsasanay ay pangungunahan ng Department of Health at may layuning maturuan ang mga nasabing barangay ng maging alerto sa pagresponde at pagbigay ng paunang lunas.
Kaugnay nito, nagpaliwanag ang Rural Health Unit kung bakit ang mga nasabing barangay ang sasailalim sa pagsasanay.
Ayon sa tanggapan, ang mga nabanggit na barangay ay malayo sa sentro kung kaya, mainam na pagkalooban ng sapat na kaalaman sa pagresponde at pagbigay ng paunang lunas.
Dagdag pa ng tanggapan, bukod sa punong barangay at kagawad, kasama din na sasailalim sa training ang purok leaders, BHWs at Midwife sa bawat barangay.
Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa DOH sa pagsasagawa ng nasabing pagsasanay.
Aniya, kalusugan ang isa sa importanteng aspeto sa pag-unlad ng bayan.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagsasanay na isasagawa, mas mapapakinabangan ng bawat barangay ang mga Rural Health Stations o Barangay Centers sa kanikanilang nasasakupan.