-- Advertisements --
Hinikayat ng isang infectious disease expert ang publiko na kumuha ng booster doses laban sa COVID-19 upang malabanan ang mga mas nakakahawang subvariant nito.
Inihayag ng Department of Health na ang Pilipinas ay nakakita ng 14 na kaso ng omicron subvariant BQ.1, na mas nakakahawa at umiiwas sa immunity.
Sinabi ni Dr. Rontgene Solante na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay manageable na dahil maraming tao ang nabakunahan.
Dagdag pa ng infectious disease expert na dapat samantalahin ng publiko ang dalawang araw na special vaccination drive na magaganap sa Disyembre.
Napag-alaman na ang BQ.1, na isang sublineage ng omicron BA.5, ay itinuturing na variant of interest (VOI) ng European Center for Disease Control.