-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagbabala ang isang health expert na posibleng tumaas pa ang COVID-19 positivity rate sa ilang mga lalawigan sa bansa ngayong holiday season.

Dahil dito, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na makakatulong kung magsusuot pa rin ng face mask ang publiko sa gitna ng mga pagtitipon ngayong papalapit ang bagong taon.

Aniya, tila nagkatotoo na ang kanilang mga pangamba na magdadala pa ng mas madaming infections ang JN.1 variant, na subvariant ng Omicron.

Nabatid kasi na isa sa kada 300 indibidwal ang nakakapagtala ng kaso ng COVID-19 kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa vulnerable sector.

Sa kabila nito, nilinaw ni David na hindi alarming ang mismong virus kundi ang epekto nito sa kalusugan ng mga tatamaang pasyente lalo pa kung may iba pang health conditions ang mga ito.