-- Advertisements --

Hinikayat ng isang heath expert ang publiko na magsuot pa rin ng facemask kahit ito ay ‘optional’ lamang sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, kailangan pa rin na magsuot ng facemask para na rin sa sari-sariling kaligtasan lalu na ang mga nasa vulnerable population.

Kabilang na ang mga kabataan, matatanda at ang mga indibidwal na may comorbidities.

Giit ni Solante na dapat ay mag-ingat pa rin lalu na sa panahon ng gatherings.

Nagbabala ang eksperto na ang kabiguang gawin ito, ay maaaring magresulta sa matinding impeksyon, partikular sa mga mahihinang populasyon.

Samantala, habang ang Covid-19 Omicron XBB 1.5 na variant ay patuloy na nagdudulot ng mga hamon sa bansa, ibinahagi ni Solante ang kanyang mga saloobin sa potensyal na pananaw para sa 2024.

Binigyang-diin ni Solante na ang banta ay hindi limitado sa Covid-19, kundi kasama rin ang co-circulation sa Influenza-Like Illness (ILI) at iba pang respiratory virus.

Payo nito sa publiko na dapat ay isaalang-alang pa din ang minimum health standards upang makaiwas na magkaroon ng nakamamatay na sakit na COVID19.