-- Advertisements --

Umaasa ang mga doktor o health experts na nasangkot sa dengvaxia controversy na makamit na rin nila ang hustisya at ang kanilang mga nakabinbin na kaso ay ma-dismiss na rin ng korte.

Ito’y matapos dinismiss ng Department of Justice (DOJ) ang 98 cases dahil sa kakulangan ng ebidensiya at walang causal evidence na magpapatunay na ang pagkamatay ng mga bata ay may kaugnayan sa bakuna.

Nagpasalamat naman si dating health undersecretary, Dr. Kenneth Hartigan-Go , isang internist clinical pharmacologist toxicologist, Fellow ng Royal College of Physician Edinburgh, Fellow ng Institute of Corporate Directors, dahil sa “enlightenment” sa kaso.

Dagdag pa nito na ang mga “pekeng eksperto” ang siyang dapat kanselahin ang kanilang mga lisensya.

Sinabi ni Hatigan-Go na ang nasabing isyu ay complicated maging ang kanilang mga kasamahang mga doktor o mga public health specialists ay hirap sa pagpapaliwanag sa publiko.

“Ang mga nanlinlang, nagsinungaling, at nagpanggap na eksperto at nagkalat ng maling impormasyon ay dapat tanggalan ng licensiya at paalalahanan ng kanilang ethical obligation,” ayon sa dating DOH official.

Si Hartigan-Go ay miyembro ay naging miyembro ng World Health Organization (WHO) Advisory committees for Safety of Medicinal Products sa loob ng isang dekada at anim na taon sa Global Advisory Committee on Vaccine Safety (GACVS), ang counterpart committee of WHO Strategic Advisory Group of Experts (SAGE).

“We just have to stick with the facts of the cases that there was no causal evidence linking the vaccine to the deaths,” Dr. Raymund Lo, an American trained pathologist certified by the American and Philippine Boards of Pathology in Anatomic Pathology, Clinical Pathology and Immunopathology,” pahayag ni Dr. Hatigan-Go.

Ipinaliwanag ni Department of Justice (DOJ) Usec. Raul Vasquez na ibinasura nila ang 98 kaso ng Dengvaxia dahil walang direktang sanhi ng kaugnayan sa pagitan ng nasabing bakuna at pagkamatay ng mga bata, at idinagdag na mayroong “maraming mga kadahilanan na sumusuporta sa isinagawang re-evaluation at re-examination ng justice department.

Dagdag pa ni Vasquez na lahat ng mga scientific evidence na ilan sa mga bata ay namatay tatlong liggo matapos ang kanilang Dengvaxia vaccination habang ang iba ay matapos ang isang taon.

Giit ni Vasquez sa ilalim ng batas sa criminal procedure, dapat may cause effect relationship.

Binanggit din ni Vasquez ang kawalan ng tamang paliwanag kung bakit nagpabaya ang mga respondent sa pagpapahintulot sa pagbabakuna ng Dengvaxia, idiniin na karamihan sa mga ebidensyang isinumite ay base lamang sa sabi-sabi.

“Hindi ito personality-driven, ito ay base sa ebidensya lamang. At kami ay sumunod sa ebidensya, inaral namin ng mainam at ito ay lumabas na hindi masusuportahan ang present evidence,” paliwanag ni Vasquez.

Kung maala, ipinag-utos ng DOJ sa Prosecutor General na i-dismiss ang 98 cases laban kay dating health secretary and Iloilo First District Representative Janette Garin at sa iba pang medical professionals.