-- Advertisements --

Inirekomenda ng mga medical experts sa Germany na may magandang epekto sa katawan ang paghahalo ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa German Standing Committee on Vaccination (STIKO) ang mga tao na naturukan ng Oxford-AstraZeneca vaccine ay dapat makakuha ng mRNA (messenger RNA vaccine) bilang ikalawang dose at ito ay kinabibilangan ng Moderna at Pfizer-BioNtech.

Ang Germany ang siyang unang bansa na nagrekomenda na pwedeng maturukan ang isang tao ng AstraZeneca at makatanggap ng Pfizer-BioNtech o Moderna sa ikalawang dose.

Maging si German Chancellor Angela Merkel ay una na ring nakatanggap ng magkaibang bakuna na ang isa ay AstraZeneca at ang pangalawa ay Moderna.

Paliwanag pa ng STIKO na ang paggamit ng mixed dose vaccination ay magpapalakas ng immune system.