Naniniwala ang maraming health experts sa iba’t-ibang bansa na dedepende sa bakuna para tuluyan ng mapigilan ang pagtaas ng kaso ng namamatay dahil sa COVID-19.
Base kasi sa pagtaya nila na hindi lamang limang milyon ang nasawi dahil sa COVID-19 kung wala pang mga nagagawang bakuna panlaban sa nasabing virus.
Sa pagtaya rin ng World Health Organization (WHO) na maaaring madoble o ma-triple ang bilang kung walang bakunang naimbento.
Kahit na ganito aniya ay mababa pa rin ang bilang ng mga namatay kumpara sa mga nagdaang pandemya gaya sa Spanish flu na sanhi ng ibang novel virus na ikinasawi ng 50 hanggang 100 milyon noong 1918-1919.
Sinabi naman ni Jean-Claude Manuguerra isang virologist sa French Institute na mayroong idinulot na mataas na bilang ang COVID sa maikling panahon.