CAUAYAN CITY- Opisyal nang gagamitin ang Health Guard bilang contact tracing app ng Isabela para sa mga papasok sa lalawigan at pampublikong pasilidad.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer ng Isabela na noong nagpulong ang mga kasapi ng League of Municipalities of the Phils. Isabela Chapter ay nabanggit ni Gov. Rodito Albano ang Manda-track na ginagamit ng Mandaluyong City na QR Base process at ginagamit para sa mga residente ng nasabing Lunsod maging ng mga pumapasok sa nabanggit na lugar.
Ang Stay Safe app na ginagamit na sa Isabela ay hindi nakikita ang data hanggang sa disease and epediomiological surveillance unit officer habang ang Health Guard app na bukod sa border system management control ay makikita ng super-Admin at maipapasa sa Provincial epidemiological surveillance Unit bukod pa sa maipapasa sa tanggapan ng Provincial Safety Officer.
Sa pamamagitan anya ng Health Guard app ay matutukoy ang sinumang pumapasok sa lalawigan at matutukoy din kaagad kung positibo sa virus at madali din ang isasagawa contact tracing
Hihikayatin din ang mga pribadong establisyimento sa pamamagitan ng mga LGUs na gamitin ang app para sa mas mabilis na COVID-19 contact tracing sa Isabela.