Na-demote sa kaniyang puwesto ang health minister ng New Zealand.
Ito ay matapos na nagtungo sa dagat kasama ang pamilya habang kasalukuyang ipinapatupad ang lockdown.
Inireklamo ng mga nakakita kay Health Minister David Clark na kasama ang pamilya na pumasyal sa Doctor’s Point Beach kahit na kasalukuyang ipinapatupad ang lockdown na nagsimula noong Marso 23.
Sinabi naman ni Prime Minister Jacinda Ardern na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Clark dahil malinaw na nilabag nito ang ipinapatupad na lockdown.
Sa katunayan aniya ay nagsumite ito ng resignation subalit hindi niya tinanggap dahil patuloy ang ginagawa nilang paglaban sa coronavirus.
Dahil dito ay napagpasyahan niya na tanggalin ang pamumuno nito bilang associate finance minister at na-demote sa pinakamababang posisyon sa gabinete.