-- Advertisements --
Ikinabahala ng Health Ministry sa Gaza na nalalapit ng matigil ang operasyon ng Al-Aqsa Hospital sa Deir el-Balah dahil sa kakulangan ng mga fuel na kanilang gagamitin.
Dahil dito ay maaaring maapektuhan ang nasa 1,300 na pasyente.
Bukod sa nasabing pagamutan ay inihayag din ng Doctors Without Bordera na ang Al-Awda Hospital ay sapilitang ipinasara.
Kasunod ito ng apat na araw na serye ng pag-atake ng Israel sa mga health care facilities sa Gaza.
Ito lamang aniya ang pagamutan na gumagana sa Northern Gaza mula ng pinaigting na military operations ng Israel.