-- Advertisements --

Ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mga laboratory sample na kinulekta ng mga health officials mula sa 88 mag-aaral sa Zamboanga Region na pinaniniwalaang kinapitan ng hand, foot and mouth disease (HFMD).

Nitong nakalipas na buwan, 88 mag-aaral mula sa Putik Elementary School (PES) sa Zamboanga City ang nakitaan ng rashes kung saan 18 sa kanila ay may sintomas ng HFMD.

Kinalaunan, karagdagang 113 mag-aaral ang nakaranas din ng rashes.

Sa nakalipas na dalawang lingo, natukoy umano ng mga local health officials ang pagtaas ng kaso ng ito.

Sa ngayon, hinihintay pa ang confirmation mula sa RITM (Manila) habang nagpapatuloy ang pagbabantay ng local health officials, kasama ang Department of Health (DOH)-Zamboanga Peninsula.

Ang HFMD ay isang notifiable disease salig sa probisyon ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Isa itong nakakahawang sakit na pangunahing nakaka-apekto sa mga bata. Pangunahin sa mga sintomas nito ay ang lagnat, mouth sore, rashes sa kamay, paa, puwet, at iba pang bahagi ng katawan.