-- Advertisements --
Naghigpit ang organizers ng US Vice-Presidential Debate sa pagitan nina Democratic challenger Kamala Harris at Vice President Mike Pence sa Salt Lake City sa Utah.
Bukod sa nakasuot ang mga ito ng face mask ay may distansiya ang bawat isa ng 12 talampakan.
Bukod pa dito ay sa pagitan ng dalawa ay mayroong nakalagay na plexiglass screen para hindi makalusot ang hangin at malayo ang paghawa ng coronavirus.
Nauna ng kinontra ng kampo ni Pence ang paglalagay ng barriers subalit ay napapayag din nila ang mga ito.