-- Advertisements --

May mga safety protocols ng inihanda ang White House sa pagbabalik ni US President Donald Trump sa kaniyang opisina.

Sinabi ni chief of staff Mark Meadows na ilan sa mga dito ay ang paglalagay ng ‘isolation cart’ na may laman na mga medical gowns, respirator masks at plastic goggles para sa mga bisita sa labas lamang ng Oval Office kung saan nandoon ang assistant nito.

Nauna ng kinontra ng ilang mga opisyal ng White House ang pahayag ni Larry Kudlow ang director of the National Economic Council na nakabalik na sa kaniyang opisina sa Oval Office ang US President.

Mula ng makalabas sa pagamutan ay hindi na nakitaan pa ng sintomas ng coronavirus ang US President.

Sinabi ng kaniyang doctor na si Dr. Sean Conley, na hindi na nila binigyan pa ng supplemental oxygen ito mula ng makalabas sa pagamutan.