-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ng libu-libong katao kasabay ng Fiesta ni Nuestra Señora de la Candelaria sa Jaro, Iloilo City.

Napag-alaman na ito ang pinakamalaking fiesta sa buong Western Visayas.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Iloilo City, hindi inalintana ng mga deboto ang pangamba na mahawaan ng virus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nitong mahigpit pa rin ang ipinatutupad na health at safety protocols sa Jaro Metropolitan Cathedral sa Jaro, Iloilo City kung saan sa labas palang ay may mga ushers nang nagpapaalala na magsuot ng face shield, face mask at pagsunod sa physical distancing.

Pagpasok naman ng simbahan, mayroon pa ring thermo scan at hiwa- hiwalay pa rin ang upuan.

Ilan naman sa mga magulang na bitbit na mga bata ang napilitang umuwi na lamang dahil bawal pa rin ang mga bata sa loob ng simbahan.

Nagpaalala rin si Conlu na mas maigi na ilagay na lang sa foam food container ang mga pagkain at ipabaon na lang sa mga bisita.