CENTRAL MINDANAO – Maliban sa ipinapatupad na mga health protocol sa gitna ng COVID-19, muling sinuyod ng LGU-Kabacan, Cotabato at mga kapulisan ang pamilihang bayan ng Kabacan.
Ayon kay municipal administrator Ben Guzman, ito ay paraan upang muling mapaalala sa mga nagbebenta at bumibili pati na sa mismong mga empleyado na sumunod at isuot ng tama ang face mask at face shield.
Maliban rito, kanila ring beneripika kung nasusunod pa rin ba sa loob ng pamilihang bayan na dapat ay hindi lumabas sa gusali ang kanilang mga produkto mapa nasa lupa man o ere.
Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa mga nagnenegosyo sa pamilihang bayan.
Aniya, hindi nito hahayaang muling mahinto ang kanilang pagbebenta lalo pa’t muling bumabangon ang bayan.