Mahigpit na ipatutupad ang health protocols kontra COVID-19 sa pagsasagawa ng pre-emptive evacuation kaugnay ng Bagyong Odette.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, lahat ng kabilang sa disaster response team ay nakasuot ng face mask at aalamin din nila ang health condition ng mga ililikas na residente.
Sakaling may sintomas ng COVID-19 ay agad na dadalhin sa isolation facility o ospital ang residente.
Maliban dito, maaari ring magsagawa ng rapid testing ang local government units (LGUs) sa evacuation centers upang agad maihiwalay ang maysakit.
Tanging isang pamilya sa isang kwarto o modular tent ang papayagan upang matiyak ang physical distancing.
Samantala, ayon naman kay NDRRMC Executive Director Usec Ricardo ang mga local government units ang magmamando sa mga evacuation centers at kasama dito ang pagtiyak na nasusunod ang minimum Public Health Standard.