-- Advertisements --

Naglabas na ng kaniyang pahayag si dating appropriations panel chair Zaldy Co hinggil sa pagbaba nito sa kaniyang pwesto epektibo ngayong araw. 

sa isang pahayag sinabi ni Co na lubos siya nagpapasalamat sa mayorya sa kamara sa pagtanggap sa kaniyang desisyon na bumaba sa pwesto bilang chairman ng appropriations panel.

Sinabi ni Co ginawa niya ang desisyon na masakit sa kaniyang puso.

Aniya ang dahilan ay ang kaniyang sakit o health issues.

Aniya, kailangan niyang tutukan ang kaniyang pagpapagamot para sa kaniyang kalusugan.

Aniya hindi biro ang trabaho ng Appropriations committee dahil mataas ang demand nito sa trabaho.

Aniya, lubos siyang nagpapasalamat sa tiwala na ipinagkaloob sa kaniya lalo na ang paghahanda para pondo ng gobyerno para matulungan ang ating mga kababayan.

Ibinida ni Co na sa loob ng tatlong taon kaniyang ipinagmalaki ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP na naging kontrobersiyal.

Ipinagmamalaki na bilang sponsor ng budget ng pamahalaan nuong 2023, 2024 at 2025 kaniyang sinisiguro na naka linya ito sa 8-point agenda ni Pang. Ferdinand Marcos.

Tiniyak naman ni Co na ang pagkakaroon ng pondo sa mga legacy initiatives ng gobyerno gaya ng kalusugan, pabahay at food security partikular ang legacy hospitals at contract farming ay mananatiling highlight ng kaniyang serbisyo.