-- Advertisements --
image 247

Kampante si Health Secretary Dr. Ted Herbosa na walang mapapaso at masasayang na COVID-19 bivalent vaccine sa bansa.

Ayon sa kalihim, mula 91% hanggang 94% ng kabuuang 390,000 bivalent vaccine na nasa bansa ang nagamit na, kung saan ang mga ito ay donasyon ng ibang bansa pangunahin ang mga nanggaling sa Lithuania.

Mataas aniya ang pagtangkilik ng publiko sa naturang uri ng bakuna, kayat tiyak na walang nasasayang sa mga ito.

Sa kasalukuyan, sinabi ng kalihim na ilan sa mga supply ng bivalent vaccine ay nakatakdang magpaso hanggang sa huling bahagi ng Setyembre ngunit nakahanay na umano ang mga ito na maiturok sa mga kwalipikadong indibidwal.

Ipinaliwanag din ng kalihim na maaari ding palawigin ang shelf life ng mga bakuna.

Halimbawa dito aniya ay kung naitago ng maayos sa mga cold storage facilities. Kailangan lamang i-asses ng mga manufacturer upang matiyak kung epektibo pa ang mga ito, at maaaring iturok muli sa mga kwalipikadong indibidwal.