-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa na naman ng Health Summit sa Cebu, ngunit sa pagkakataong ito ay ang ipapakilala at ituturo ng mga chinese expert ang traditional chinese medicine sa mga lokal na doctor dito.

Ito’y matapos inimbitahan ni Cebu Gov. Gwen Garcia ang mga eksperto mula sa Fujian University of Traditional Health Medicine.

Ang mga ito ay may dekada ng may kasanayan sa iba’t-ibang pamamaraan ng tradisyunal at herbal medicine acupuncture, naturopathy at iba pa.

Hindi na umano kailangan pang gumastos ng malaking halaga dahil pwede na umano itong gawin sa bawat kabahayan sa pamamagitan ng herbal planting at ang magandang epekto nito bilang alternatibong gamot sa anumang klase ng sakit.

Samantala, maraming mga kasunduan sa pakikipagsosyo ang nilagdaan ng mga bayan ng fujian at negosyo na maaaring mapadali ang higit na pag-unlad sa Cebu sa pamamagitan ng turismo, negosyo at tradisyonal na gamot ng tsino.

Hinikayat naman ni Garcia ang mga healthcare volunteer na unang responder ng mga isolated areas ng bawat barangay nitong probinsya na pag-aralan ang pamamaraang ito.

Inimbitahan din nito ang mga eksperto at opisyales ng naturang unibersidad na bisitahin ang probinsya upang ipaliwanag ang kahalagahan ng traditional at herbal medicine sa bawat mamamayan sa gaganapin na Health Summit nitong probinsya.