Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kayang pangasiwaan ng health system ng Pilipinas ang tumataas na kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ayon kay Health ASec. Albert Domingo, nagbukas ng isang hotline ang ahensiya kung saan maaaring tawagan ng mga doktor gayundin ng mga pasyenteng may leptospirosis.
Para sa landline, maaaring tawagan ang numerong (02) 8531-0037 o sa mobile number na 0920-283-2758.
Hinimok din ng ahensiya ang publiko na magpakonsulta sa doktor sakaling makaranas ng mga sintomas ng sakit.
Una na ngang napaulat na napupuno na ang ward para sa leptospirosis patient sa ilang ospital kabilang na ang National Kidney and Transplant Institute na nasa 67 na ang naka-admit na pasyente dahilan kayat ginawa na ring ward ang kanilang gymnasium para ma-accommodate ang ibang pasyente na kinakailangang ma-admit.
Nagsimula ngang tumaas ang kaso ng leptospirosis kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyong Carina at Habagat na nagdulot ng malawakang mga pagbaha.