-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binanatan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito ay may kaugnayan sa pag-isnab umano ni Vergeire kay Treñas nang hiningan ito ng paliwanag ng alkalde hinggil sa nawawalang mahigit 17,000 doses ng COVID-19 vaccine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na nagpadala na siya ng mensahe kay Vergeiri ngunit wala itong natanggap na sagot.

Ayon sa alkalde, ipinagmamalaki ni Vergeiri na mahigit sa 84,000 doses ng bakuna ang ibinigay ng DOH ngunit sa katunayan anya ay mahigit sa 66,000 doses lang ang natanggap ng Iloilo City government.