-- Advertisements --

ROXAS CITY – Muling nakapagtala ng coronavirus disease (COVID-19) case ang Capiz matapos ang halos isang buwan nang nag-COVID-19 patient free ang lalawigan.

Ito ay base sa pinakahuling case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 6.

Ang naturang pasyente ay ang ika-105 na COVID-19 case na naitala sa Western Visayas.

Nabatid na ang naturang pasyente ay isang health worker na nagtatrabaho umano sa isang ospital sa lungsod ng Roxas.

Napag-alaman pang mayroon rin itong kasintahang frontliner na nagtatrabaho bilang isang nurse.