-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nakatakda nang simulan ng Department of Health Region 12 (DoH-12) ang pamamahagi ng 35,000 doses ng AstraZeneca Vaccine sa iba’t ibang ospital sa rehiyon.
Ito ang kinumpirma ni DoH-12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Gangoso, makakatanggap ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga healthworkers sa halos 200 mga private at government hospitals mula infirmary hanggang level III hospitals.
Sa ngayon, nilalatag pa ng DoH-12 ang alokasyon ng bakuna sa bawat ospital.
Ang AstraZeneca ayon kay Gangoso ay para sa mga may edad 18 anyos pataas kung kayat maaari ng bakunahan ang mga senior citizen na mga health workers.